Matapos kumalat ang mga balitang yumao na si dating first lady Imelda Romualdez Marcos, naglabas naman ng larawan sa kanyang Facebook account si First Lady Liza Araneta-Marcos kasama ang kanyang biyenan.
“Happy Sunday everyone!” ayon sa caption ng FB post ni FL Liza.
Kasama rin ng magbiyenan si Tingog Party-list Rep. Yedda Romualdez, maybahay ni House Speaker Martin Romualdez.
Naunang kumalat ang balitang sumakabilang buhay na ang 93-anyos na si Imelda.
Agad itong pinasinungalingan ni Senator Imee Marcos.
“Last week pa ‘yan, ang bad ng nagkakalat,” ayon sa pahayag ni Imee sa Super Radyo dzBB. (Prince Golez)