WebClick Tracer

SPORTS

Lakas tama sa Gin Kings! Scottie Thompson, Ginebra isang kurap na lang sa finals

Semis Games 3 sa Miyerkoles:
(Smart Araneta Coliseum)
3:00pm – SMB vs Ginebra (2-0 Gins)
5:45pm – Meralco vs TNT (tabla 1-1)

NAGPAKAWALA ng triple-double na 21 points, 11 rebounds at 11 assists si reigning MVP Scottie Thompson at muli ay tinambakan ng Ginebra ang San Miguel Beer 121-103 para sa 2-0 lead sa kanilang PBA Governors Cup semifinals series sa Ynares Center-Antipolo Linggo ng gabi.

Tumagay ng tig-32 points sina Justin Brownlee at Christian Standhardinger para pangunahan ang Gin Kings, isang panalo pa ay babalik muli sa finals ng season-ending conference.

May 10 boards, 7 dimes pa si Brownlee at 8-7 kay Standhardinger.

Hindi umubra ang 23 points, 17 rebounds ni Cameron Clark at 20 markers ni CJ Perez sa Beermen. Tapon din sa basurahan ang 19 points, 8 assists ni Chris Ross.

Umalagwa ang Gins 62-40 bago natapos ang first half, naibaba ng Beermen sa 76-68 sa tres ni Mo Tautuaa kalagitnaan ng third quarter pero tinapos ng defending champions ang period sa 18-4 run para muling lumayo 94-72.

Hindi na nailapit ng Beermen nang mas mababa sa 15.

Sa first game, sa likod ni ‘Bionic Man’ Cliff Hodge ay binawian ng Meralco ang TNT 124-117 sa overtime para itabla ang hiwalay na serye sa tig-isang laro.

“It takes a lot to keep him down,” ani coach Norman Black sa kanyang astig na forward.

Nabaldog at nag-dribol ang ulo ni Hodge sa floor pero sandali lang pinagpag ang naramdaman, nanatili sa laro at kumana ng back-to-back buckets bago binutata si Calvin Oftana.
Lipat sa Smart Araneta Coliseum ang pares ng Games 3 sa Miyerkoles. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on