WebClick Tracer

NEWS

Mga Ateneo worker magpoprotesta

Nakatakdang magwelga ang mga empleyado ng Ateneo de Manila University ngayong linggo matapos ang 201 sa 205 na mga miyembro ng Ateneo Employee and Workers Union (AEWU) ang bumoto pabor sa welga noong Marso 10.

Pinagbotohan ng mga miyembro ng AEWU na mag-strike nang mag-deadlock ang kanilang negosasyon sa Ateneo management para sa collective bargaining agreement para sa 2019-2024.

Humihingi ng P2,500 na wage increase ang mga miyembro ng AEWU at P10,000 signing bonus.

Ayon sa Facebook post ni AEWU President Mondi Tano noong Marso 22, lima ang isyu ng unyon sa Ateneo management: wage increase, rice allowance, union leave with pay, kung kailan magiging epektibo ang bagong CBA na mapapagkasunduan at kung hanggang kailan ito tatatagal at ang signing bonus.

Naglabas ng open letter ang ilang miyembro ng faculty at estudyante ng Ateneo ng suporta sa AEWU at nanawagan sa management. (Eileen Mencias)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on