Poot at suklam at tiyak na magiging dismayado ang Little Ponies, at iba pang umaasam na makita si Queen Bayot Vice Ganda at ang kanyang escort for real , si Ion Perez, dahil hindi ito pwedeng dumalo sa pangmalakasang Star Magic Prom.
Kahit pa nga siksik, liglig at umaapaw ang mga kinita ng mga pelikula ni Jose Marie at kahit pa nga posteng totoo ito sa noon time variety show na hindi sumusuko, ang “It’s Showtime,” etsapwera ang power pink couple kasi nga eklusibo lamang ang payanig para mga talento na ang namumuno at nagpapatakbo sa mga karera ay ang Star Magic.
Hindi under the care, guide, support and tutelage ng Star Magic sina Jose Marie Viceral at Benigno Perez kaya ligwak ganern ang magsing-irog.
Sayang na sayang na hindi pwedeng dumalo sina Vice at Ion. It could have been there night at napaka-opportune occasion sana noon para ipakita sa lahat na ang Star Magic ay LGBT ally at friend.
Sa isang banda , baka hindi rin dumalo sina Vice at Ion sa Star Magic Prom kung imbitahin man sila dahil para sa mga bagets ang ganitong okasyon. By the way, ang for reel na coupling, sina Tony Labrusca at JC Alcantara, kung sakaling gugustuhing dumalo na magkasama sa prom, pahintulutan rin kaya? Wala na kasing kontrata si Labrusca sa ABS-CBN at bukod tanging si Alcantara ang Rise talent.
Best in audience impact tiyak ang tambalan nina Tony at JC kasi nga ang kanilang mga kanilang mga katauhang sina Xavier at Mico sa “Hello Stranger” ay part of the holy trinity of BL reel couplings na minamahal ng lahat kung saan kasama sina Kokoy de Santos at Elijah Canlas, ang CaiReel mula sa “Gameboys” at ang PangPang couple, sina Ian Pangilinan at Paolo Pangilan, ang Vlad at Karl sa “Gaya Sa Pelikula”.
A Xavier and Mico presence sa prom eh sure fire trending topic .Pag-uusapan ng lahat ang kanilang first official date in public, at sa pinaka-talyadang prom pam why not, Choc Nut!
Si Labrusca ang nagsabi sa diva that you love dati na ‘pag magsasama sila ni young master Alcantara dapat maging event ito. Perfect stage at set up para sa XavMi ang enchanted evening na prom, hindi ba naman?
Ngayon pa nga lang, lahat yata ng male at female starlets ng Star Magic eh may mga paandar na promposal .Ang mga fan nila eh ginagawa ang lahat para pag-usapan ito sa pa-woke universe na Twitter.
Ang bagong Twitter pa-woke pairing nga ay si Vivoree Esclito at Brent Manalo. May dramarama pa nga itong si bininibining Esclito na “Thanks for asking me”, huh! At yun na nga trending na sila at biglang naging the WHO no more si Brent thanks to the pixie dusts ni Vivoree,
Anyway, hinuhulaang sina Belle Mariano at Donny Pangilinan ang magiging King and Queen of the Prom.