WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Politiko may sariling ‘bangko’ sa kuwarto

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong politiko na may sariling bangko sa kanyang bahay?

Base sa nasagap ni Mang Teban, malaki raw ang kinita ng politiko sa nakaraang halalan kahit na siya ay natalo.

Malaki kasi ang pumasok na campaign fund, lalo na sa kaagahan ng kampanya noong 2022 elections dahil maraming negosyante ang nabudol o napaniwala ng politiko.

Limitado lang daw ang ini-report ng politiko sa poll body dahil karamihan ng sobra ay tinago sa kanyang bahay.

Ayaw daw kasi ng politiko na ideposito sa bangko ang ga-bundok niyang salapi dahil baka mabusisi pa siya ng mga awtoridad.

Sa dami niyang pera sa kuwarto, hindi kumasya sa malaking kaha de yero kaya nakatago lang ang iba sa tukador. Mabuti na lang at walang anay sa bahay dahil kung nagkataon, ubos ang salapi ni mokong.

Ito namang anak ng politiko, masyadong matabil, aba’y ibinida ba naman sa ibang tao ang sangkaterbang kuwarta ng kanyang ama sa kanilang bahay.

Clue: Ang talunang politiko na may sariling bangko sa bahay ay mahilig bumaligtad.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on