Sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng Bureau of Immigration, Cybercrime Investigation and Coordinating Center, at Military Intelligence Group ang isang apartment sa Iloilo City at inaresto ang 3 hinihinalang miyembro ng Khalistan Tiger Force (KTF), isang Sikh extremist group na nagmula sa India.
Kinilala ni Bureau of Immigration Commissioner Norman Tansingco ang mga suspek na sina Manpreet Singh, 23; Amritpal Singh, 24; at Arshdeep Singh, 26, pawang mga Indian national, arestado sa Iloilo City.
Ang pagsalakay ay isinagawa sa kanilang apartment sa isang eksklusibong subdivision noong madaling araw noong Marso 7.
Iniugnay ni CICC Executive Director Alexander K. Ramos ang matagumpay na operasyon sa maayos at mabilis na koordinasyon ng mga ahensyang kasangkot na ginamit bilang resulta ng pagtatatag ng National Cybercrime Hub sa Bonifacio Global City sa Taguig.
Ang operasyon ay alinsunod sa standing order ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tugunan ang m899ga domestic at foreign criminal elements.
“The President will not tolerate any foreign terrorist to set foot in the country,” pahayag ng CICC Executive Director. (Dolly B. Cabreza)