Nasa 81 Pilipino ang kasalukuyang nakakulong sa ibang bansa at nahaharap sa mga kasong may katumbas na parusang kamatayan, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Iniulat din ng DFA na 135 kaso ng mga Pinoy ang napawalang-sala noong 2022.
Tiniyak ng DFA na ginagawa nila ang lahat ng paraang diplomatiko para mapigilan na patawan ng parusang kamatayan ang mga Pinoy na nahaharap sa death penalty cases.
Ipinagmalaki ng DFA na ang 135 Pinoy na napawalang sala sa kaniang mga kaso nitong 2022 ay mas mataas kumpara sa naitala na 98 noong 2021.
Sinabi pa ng DFA na karamihan naman ng mga kasong kinakaharap ng mga Pinoy sa ibang bansa ay hindi maituturing na krimen sa Pilipinas tulad ng immorality cases na mahirap mapawalang-sala.
“There is almost no chance for acquittals for these kinds of cases,” ayon pa sa DFA.