WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Bahay bakasyunan ng politiko minumulto

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong politiko na may vacation house na pinamamahayan ng multo?

Kuwento ng kaututang-dila ni Mang Teban, may lumang bahay daw ang politiko malapit sa beach sa Luzon na ginawang bakasyunan na lamang.

Open daw ito sa mga kaibigan ng politiko at hindi naniningil ng bayad sa gustong magbakasyon dito.

Marami raw ang kumakagat sa alok ng politiko kesa naman magbayad ng hanggang P3,000 sa overnight stay sa beach hotel.

Kaya naman pala libre ang paggamit sa bahay bakasyunan, may added attraction pala tuwing gabi.

Kapag nasa higaan na kasi ang mga bisita, bigla na lang bumubukas ang pinto na wala namang tumutulak.

May naririnig din daw na ungol ang mga bisita gayung wala namang nagse-sex sa kanilang kuwarto. May naririnig din daw na yabag sa sahig kahit wala namang naglalakad.

Napuyat daw tuloy ang ilang bisita dahil hindi sila makatulog sa takot, habang ang ibang bangenge sa alak ay sarap na sarap naman sa pagtulog at naghihilik pa.

Nadala na raw ang ibang bisita at hindi na umulit dahil sa nakakatakot na experience sa vacation house ng politiko.

Clue: Ang minumultong vacation house ay pagmamay-ari ng politikong swak ang pangalan kapag tag-init.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on