Inaprubahan ng House committee on basic education and culture ang panukala para sa Career Progression System ng mga guro sa pampublikong paaralan.
Nakapaloob ito sa pinag-isang bersyon ng dalawang panukala na akda nina Tingog party-list Rep. Yedda Marie Romualdez at Batangas Rep. Ralph Recto.
Pasado na rin sa komite ang report na isusumite sa plenaryo ng Kamara.
Layunin ng Career Progression System ang pagkakaroon ng malinaw na pamantayan para sa promosyon ng mga guro sa public school system.
Ipo-promote ang mga guro batay sa kanilang merito at kakayahan na susuriin ng isang independent third party.
Magsasagawa ang independent third party ng ebalwasyon sa mga guro batay sa mga panuntunan na ilalabas ng Department of Education. (Billy Begas)