WebClick Tracer

NEWS

DA hinihimay presyo ng gulay sa Benguet

Iniimbestigahan na ng Department of Agriculture (DA) kung bakit sumosobra ang presyo ng mga gulay mula sa Benguet kapag ibinibenta na sa Metro Manila.

Kamakailan ay ininspeksyon ng DA ang isa sa vegetable trading post sa La Trinidad, Benguet.

“It is not reasonable when vegetables are priced at P30 a kilo here but are sold for P120 in Manila,” ayon DA Assistant Secretary Rex Estoperez.

Inaalam ng DA ang buong sistema sa trading at whole marketing system mula sa magsasaka patungo sa Benguet Agri-Pinoy Trading Center sa at La Trinidad Vegetable Trading Post.

Nasa 80% ng salad vegetables mula sa mga sakahan sa Benguet ang nabebenta sa National Capital Region at iba pang tindahan sa Luzon kada araw. (Natalia Antonio)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on