Sinopla ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang pahayag ni Employers Confederation of the Philippines (ECOP) president Sergio Ortiz-Luis Jr. laban sa panukalang 2-day menstrual leave para sa mga empleyadong babae.
Hindi pabor ang opisyal ng ECOP sa panukala dahil maaari naman umanong gamitin ang vacation o sick leave.
Ngunit iginiit ni Brosas na iba ang sick leave sa menstrual leave at ito’y hindi makakatugon sa anumang posibleng mangyayaring kondisyon sa kalusugan ng isang nakakaranas ng buwanang menstrual-related symptoms.
|Our House Bill 7758 seeks to provide women workers with a maximum of 2 days menstrual leave per month, which is far different from sick leaves, which are normally given only 5 days per year,” ayon pa kay Brosas. (Eralyn Prado)