Masusing binabantayan umano ngayon ng mga awtoridad ang seguridad ng isang gobernador at ilang alkalde sa Zamboanga Peninsula region dahil sa kinakaharap na banta sa kanilang buhay.
Ngunit tumanggi si Police Regional Office (PRO) 9 director Brig. Gen. Neil Alinsañgan na pangalanan ang mga nasabing lokal na opisyal na nakatanggap umano ng death threat.
Tatlo ang gobernador, lima ang city mayor at 67 ang municipal mayor sa nasasakupang lugar ng PRO 9.
Ipinaliwanag naman ng heneral na mas makabubuting huwag nang pangalanan ang mga nasabing opisyal para na rin sa kanilang proteksyon.
Binanggit pa ni Alinsañgan na may kinalaman sa politika ang karamihan sa mga pagbabanta na natatanggap ng mga lokal na opisyal sa rehiyon ng Zamboanga Peninsula.