WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Kambal todas, 26 sugatan sa sumirkong trak

Patay ang magkapatid na kambal na babae habang sugatan ang 36 na iba pa nang bumaliktad ang sinasakyan nilang company truck sa national highway sa Zamboanga City nitong Miyerkoles ng umaga.

Ayon kay Lt. Col. Paul Andrew Cortes, city police information officer, nangyari ang sakuna sa Barangay Sangali dakong alas-singko ng umaga.

Sakay umano ang mga biktima ng trak ng Aquatic Food Manufacturing Corporation nang bumaliktad ito at nag-crash sa isang bahay habang tumatakbo sa pakurbang bahagi ng national highway.

Nawalan umano ng kontrol sa manibela ang drayber nang hindi na gumana ang preno ng trak.

Nakilala ang isa sa dalawang nasawi na si Nursiya Taring habang ang kanyang kambal ay hindi pa pinangalanan ng pulisya.

Dinala naman sa Zamboanga City Medical Center ang mga sugatan ngunit pinauwi na rin ang iba pa sa mga ito matapos malapatan ng lunas sa mga tinamong sugat.

Sugatan din sa insidente ang drayber ng trak na kinilalang si Banny Molina Martinez Jr., 26-anyos. (Catherine Reyes)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on