Magpapatupad ng apat na araw na tigil-biyahe ang Light Rail Transit (LRT) Line 2 sa Semana Santa (Abril 6-9) upang bigyang-daan ang maintenance shutdown.
“Taon-taon nagsasagawa tayo ng tinatawag natin na Holy Week maintenance, ito kasi lang iyong pagkakataon natin na magkaroon tayo o magsagawa ng tinatawag natin na heavy maintenance activity sa linya,” ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Atty. Hernando Cabrera sa Laging Handa public briefing nitong Miyerkoles.
Hanggang alas-siyete ng gabi sa Abril 5 (Miyerkoles) ang magiging huling biyahe aniya ng mga tren ng LRT-2 kaya ngayon pa lang ay ipinabatid na nila ito sa publiko.
Magbabalik ang operasyon ng LRT-2 sa Lunes, Abril 10, simula alas-singko ng umaga. (Aileen Taliping)