WebClick Tracer

METRO

Mga killer ni Degamo kinanta `Boss’

Ni Nancy Carvajal

Itinuro umano ng 10 nasakoteng suspek sa Negros Oriental masaker ang isang gun shop owner sa naturang probinsya na siyang nag-recruit sa kanila para lusubin ang residential compound ng nasawing gobernador na si Roel Degamo at patayin ito, ayon sa iba’t ibang source ng online news Politiko.

Ang naturang `recruiter’ na tinatawag umanong “Boss” at siyang nagpakilala sa mga suspek kay Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. ay kasalukuyan nang tinutugis ng mga operatiba ng Philippine National Police at National Bureau of Investigation katuwang ang isang military unit.

“This person, they also called Boss has been arrested in the past for illegal possession of firearms, but the case was subsequently dismissed,” ayon sa isang source.

Tinitingnan din umano ngayon ng mga imbestigador kung kasama itong gun shop owner sa mga sumalakay sa residential compound ni Degamo at rumatrat sa gobernador.

Nagtamo si Degamo ng 11 tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan makaraang lusubin ng armadong kalalakihan na mga naka-uniporme ng militar ang kanilang compound noong Marso 4.

Bukod kay Degamo, walong iba pa ang nasawi habang 17 ang nasugatan sa pamamaril ng mga suspek.

Hawak na ngayon ng NBI ang 10 sa mga suspek sa pagpaslang kay Degamo.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on