WebClick Tracer

NEWS

MT Princess Empress tumagas na 400K litro ng langis

Kalahati na lamang ng kargang langis ang natitira sa lumubog na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sinabi ni PCG spokesperson Commodore Armand Balilo, mula sa kargang 800,000 litro ng industrial fuel ay nasa 400,000 litro na lamang ang laman ng barko.

“Doon sa original na eight hundred [thousand liters], parang sa pag-aaral — bina-validate pa lang, parang mga three hundred, close to four hundred [thousand liters] na lang `yung natitirang langis doon sa barko,” wika ni Balilo.

Nakatutok aniya ngayon ang PCG sa pagkuha ng natitirang langis para hindi na ito tumagas pa sa karagatan.

Plano ng PCG na gumamit ng remotely operated underwater vehicle para makuha ang natitira pang langis mula sa MT Princess Empress. (Natalia Antonio)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on