Sapat pa ang supply ng baboy sa bansa ngayon ngunit nasipat umano ng Bureau of Animal Industry (BAI) na magkakaroon ng shortage nito sa second quarter ng taon dahil sa muling pagkalat ng African Swine Fever (ASF), ayon kay Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Rex Estoperez.
“Okay pa tayo for now,” sabi ni Estoperez nang tanungin tungkol sa supply ng baboy sa bansa.
Ayon sa datos ng National Meat Inspection Service, may imbentaryo pa ng 70,709 tonelada ng baboy sa mga accredited na cold storage sa bansa noong March 20, 2023.
Mas kaunti ito kung ikukumpara sa 81,503 tonelada na nasa imbentaryo noong Pebrero ngunit higit na mas malaki naman kung ikukumpara sa imbentaryo noong 2022 na nasa 47,205 tonelada lamang.
Nilinaw naman ni Estoperez na hindi pa pinal ang projection ng BAI at pag-uusapan pa ito kasama ang DA at mga stakeholder. (Eileen Mencias)