Umabot na sa 16 na rehiyon sa bansa ang apektado ng African Swine Fever (ASF), ayon sa Bureau of Animal Industry (BAI).
Ang National Capital Region na lang umano ang wala pang naitala na kaso ng ASF.
Dagdag pa, unang kumalat ang kaso ng ASF sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) nang magkaroon ng outbreak sa South Upi, Maguindanao del Sur.
Samantala, kasalukuyan ng may 12 lugar sa Cebu ang infected ng ASF ang mga alagang baboy tulad sa Cebu, Bogo, Carcar, Lapu-Lapu, Mandaue at Talisay at bayan ng Cordova, Liloan, Minglanilla, San Fernando, Sibonga, at Tuburan.
Matatandaang nangako na ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ilalarga ang mga hakbang para makaiwas sa pagkalat ng ASF sa buong bansa.
Ipagbabawal umano ang backyard farming ng baboy at manok at sa halip ay isusulong ang isolation at consolidation upang hindi masira ang industriya nito. (Jan Terence)