Naitanong kay Jasmine Curtis-Smith kung paano niya hina-handle ang bashers niya sa social media.
Aniya, may advice raw sa kanya noon ang kanyang ateng si Anne on how to deal with detractors at ito ang kanyang sinusunod.
“Learn to brush it off. Laging sabi ni Ate noon, art of deadma which is not very easy to learn lalo na kung sensitive kang tao,” aniya.
Gayunpaman, mina-master na raw niya ito sa payo ng kapatid.
“Pero it’s a muscle na kailangan mo lang i-exercise every day,” paliwanag niya. “Especially kapag nabasa mo na ‘yung ayaw mong mabasa and na-rattle ka na about it, kasi mahirap din pigilan na na-hurt ka or apektado ka,” dugtong niya.
Aminado naman siyang dahil tao lang siya ay minsan ay naaapektuhan din siya sa mga nababasa niya tungkol sa kanya sa social media.
Ang nagiging thinking na lang daw niya ay opinyon ito ng ibang tao na kailangan niyang intindihin.
“I think mahirap sabihin na hindi or magpaka-strong to say na I don’t care, I don’t give it any notice,” ani Jasmine. “Pero kailangan mo lang din intindihin these are personal opinions.And I have my personal opinions about people. So minsan ayoko rin sa ibang tao pero di ko lang nati-tweet di ba, pero sa akin umaabot ‘yung mga ibang tao,”dugtong niya.
Sa naturang interbyu, ni Kuya Boy inusisa rin siya ng Kapuso TV host kung siya ba ang tipong selosang dyowa sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Jeff Ortega.
“Pareho kami pero mas siya,” sagot niya.
Tungkol naman sa kanyang favorite leading man, si Rocco Nacino raw ito na nakasama niya sa Philippine adaptation ng Koreanovelang “Descendants of the Sun” noong 2020.
Dahil sa rebelasyon niyang ito, nang-uurot naman ang kibitzers dahil inilaglag daw umano ng aktres si Alden Richards na dalawang beses niyang naging leading man sa mga seryeng “The World Between Us” at “I Can See You: Love On The Balcony” at considering na support lang sila ni Rocco kina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado sa “Descendants of the Sun.” (Archie Liao)