WebClick Tracer

NEWS

Cong Teves dinikdik ng mga suspek sa Degamo slay – Remulla

Lumalabas na sangkot umano si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. sa pagpaslang kay gobernador Rodel Degamo at sa walo pang nadamay na biktima batay sa testimonya ng mga suspek sa masaker, ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla.

“Andun yun sa mga statements. The statements [that] were issued so far point to a certain involvement of his. There are nine or 10 statements that we hold,” pahayag ni Remulla.

Sinabi ni Remulla na maaaring sapat na ang mga nakuha nilang testimonya mula sa mga naarestong suspek ngunit mahalaga pa rin aniya na makakuha pa ng mas maraming impormasyon upang sigurado na magiging solido ang kaso at mabigyan din ng parehas na paglilitis ang akusado.

Sa ngayon ay nasa ibang bansa pa si Teves na una nang itinanggi ang mga alegasyon laban sa kanya kaugnay ng pagpaslang kay Degamo.

Ipinahayag naman ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Teves, na wala silang alam sa mga sinasabi ni Remulla.

Samantala, sinabi ni Remulla na maraming dapat ipaliwanag si Teves ngunit ayaw nitong harapin.

“He has lots of explaining to do. He is subject of summons so that he can do his explaining. But the fact that he doesn’t want to be served with the service of summons means that he’s evading jurisdictional matters,” ani Remulla. (Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on