WebClick Tracer

NEWS

DOH paplantsahin sahod ng mga nurse, doktor

Aminado ang Department of Health (DOH) na problema sa sahod ang dahilan kung kaya’t maraming nurse, doktor at iba pang healthcare worker ang mas gusto pang magtrabaho sa ibang bansa kaysa manatili na lamang sa Pilipinas.

Dahil dito, inihayag ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na kanilang pinag-aaralan na magkaroon ng salary standardization para sa mga nurse, doktor at iba pang healthcare worker upang mahikayat ang mga ito na huwag nang magpunta sa ibang bansa.

Inihayag ito ni Vergeire matapos kalampagin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Commission on Higher Education (CHED) para hanapan ng solusyon upang hindi maubos ang mga nurse sa bansa.

Ayon kay Vergeire, kanilang pinag-aaralan ang status ng panukalang Magna Carta for Public Health Care Workers at Philippine Nursing Act na parehong magbibigay ng mga karagdagang benepisyo para sa mga medical professional sa bansa.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on