WebClick Tracer

SPORTS

Joel Embiid maaangas ang pagbabalik laban sa Dallas

Bumalik sa lineup sina Joel Embiid at James Harden para balikatin ang 76ers sa 116-108 win laban sa Dallas Miyerkoles ng gabi sa Philadelphia.

Naupo ng isang laro si Embiid dahil sa calf injury, nagbuhos ng 25 points at 9 rebounds kontra Mavericks. Nagsumite ng 15 points, 12 assists si Harden na apat na larong nawala dahil sa Achilles injury.

Nagbaon ng 3-pointer si Embiid para ibuhol sa 103, sinundan niya ng 16-footer para sa lead na hindi na binitawan.

Sumabay ng 24 points, 10 rebounds, 8 assists si Luka Doncic, may 23 markers si Kyrie Irving pero hindi umiskor ang Mavs mula 3:18 ng fourth quarter matapos ang 3 ni Doncic para idikit 111-105.

No. 3 sa East ang Sixers (50-26) na humugot pa ng 22 points mula kay Tyrese Maxey.

Namemeligrong mapagsarhan sa playoffs ang Mavericks (37-40) na nasa likod ng Thunder (38-39) na No. 10 sa West. (Vladi Eduarte)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on