WebClick Tracer

NEWS

LRT-2 dudugtungan hanggang Pier 4

Asahan na madudugtungan pa ang linya ng Light Rail Transit (LRT) Line 2 (LRT-2) sa Tutuban, Divisoria at Pier 4 na target matapos sa 2026.

Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Hernando Cabrera, hinihintay pa nilang maaprubahan ang pondo para sa 3-kilometer extension project na nagkakahalaga ng higit P10 bilyon batay sa kanilang transmittal letter noong Setyembre 2020.

“The moment na maibigay sa atin `yung tinatawag natin na multi-year obligational authority, ipapa-bid natin agad ito kasi tapos na lahat ang plano na ito, mayroon tayong consultant dito at talagang ang hinihintay natin ay ang papeles ng ating budget,” ayon kay Cabrera.

Paliwanag ni Cabrera na tinarget nilang itayo ang tatlong extension station para makuha ang mga pasahero na sumasakay ng mga inter-island ferry mula sa probinsya.

Sabi ni Cabrera, luluwag ang pagbiyahe na magiging limang minute na lamang mula sa Claro M. Recto Station hanggang Pier 4 na dating inaabot pa ng halos isang oras para makarating sa pantalan sanhi ng buhol-buhol na trapik sa Divisoria. (Vick Aquino)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on