Mga laro ngayon (Rizal Memorial Coliseum)
3 pm – Imus vs Iloilo
5:30 pm – AMC Cotabato vs Cignal
Kukumpletuhin ng Cignal ang pagtala ng kasaysayan sa volleyball sa bansa – mawalis ang lahat ng laro mula eliminations hanggang kampeonato pagsagupa sa AMC-Cotabato sa Game 2 ng best-of-three finals ng Spikers’ Turf Open Conference ngayon sa Paco Arena.
Winasiwas ng HD Spikers ang Cotabato Spikers sa Game 1 noong Miyerkoles sa three-set para maging patok sa alas-5:30 ng hapon sa Rizal Memorial Coliseum. Magtutuos muna sa alas-3:00 ng hapon para sa medalyang tanso ang Iloilo (1-0)-Imus City-ITP (0-1).
Si Marck Espejo ang petmalu sa opener nang trumabaho ng 26 points para sa winning squad at sumungaw sa titulo sap ag-sweep sa torneo.
“We will work harder, paghahandaan namin ang Game Two lalo na ang dami nilang options, marami silang palitan, so lahat ng tendencies, lahat ng substitutions, lahat ng strength nila na nakita namin for this game pagaaralan namin,” sey ni Cignal coach Dexter Clamor. (Lito Oredo)