WebClick Tracer

NEWS

Mga biyahero salain sa human smuggling scam – DOJ

Magpapatupad ng mas istriktong departure procedure ang Bureau of Immigration (BI) para sa mga biyahero upang mabigyan ng proteksyon ang mga Pilipino laban sa human trafficking at iba pang panganib.

Ayon sa Department of Justice (DOJ), bagama’t magkakaroon ng abala sa proseso ng mga biyahero ay mas mainam na ang ganito para na rin sa kanilang proteksyon.

Ipinaliwanag ng DOJ na ang BI, bilang miyembro ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), ay responsable sa paggawa ng mga hakbang para mapigilan ang human trafficking.

Sinabi ng DOJ na mahirap na ngayon matukoy ang regular na pasahero mula sa mga potensyal na biktima ng human trafficking at may mga propesyunal na Pinoy na sangkot sa online scam at iba pang ilegal na aktibidad.

“The profile of these victims pose a challenge to our implementation of the Departure Formalities as many of them do not share the vulnerabilities of traditional victims of labor trafficking, such as those Filipinos exploited as domestic workers in the Middle East or fishers in the Asia-Pacific region,” ayon sa DOJ.

Kaugnay nito, hiningi naman ng DOJ ang pang-unawa at kooperasyon ng publiko para matugunan umano ang malaking problema ng bansa sa isyu ng human trafficking. (Juliet deloza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on