WebClick Tracer

SPORTS

Mga tigasing junior netter rarampa sa PPS Valle Verde

Rumampa na ang nangungungunang juniors, ilang papasikat na mga tenista sa Big City at iba pang lugar sa pagtutuos para sa mga pangunahing karangalan at ranking points sa PPS-PEPP Valle Verde Country Club National Juniors Tennis Championships Huwebes sa Pasig.

Mahigit 200 ang mga kalahok sa nine age-category Group I tournament na prisintado ng Dunlop kung saan may 32-player cast ang sa boys’ 14-, 16- at 18-and-under classes.

Nangungunang sumabak sina Tristan Licayan, Lexious Cruz, Gavin Kraut, Zachary Morales, Gabrio Serillo at Yñigo Naredo sa 14-U, samantalang sina Kendrick Bona, Paul Gabriel, Licayan, Morales, Kean Enriquez at Kraut ang mga aabangan sa 16-U division.

Dikdikan naman sina Vince Serna, Mateo Rivas, Ivan Manila at Thomas Bernardo sa premier division ng event na nasa ilalim ng programang matagal nang naghahanap ng talentong binuo ni Palawan Pawnshop president/CEO Bobby Castro.

Bukas ang girian sa distaff side nina Chloe Mercado, Jelena Jana, Beatrice Panganiban at Sandra Bautista sa mapaghamong linggo sa paghampas nila sa 16- at 18-U divisions.

Mahigpitan din ang labanan nina Maristella Torrecampo, Ave Policarpio, Francesca Ong at Dania Bulanadi sa girls’ 14-U class, na rito’y asinta ni Torrecampo ang “twinkill” sa pagiging top seed sa pa 12-U sa kaganapang mga suportado ng ProtekTODO, PalawanPay, Unified Tennis Philippines at Universal Tennis Rating.

Mangunguna sa boys’ 12-U sina Serillo, mag-utol na Alexandre at Aaron Coyiuto at Michael Honrado samantalang patok sa 10-unisex trophy sina Naseem Serillo, Sofia Miramontes, Stella Policarpio at Juliana Coyiuto.

Para sa iba pang detalye, kontakin si tournament organizer Bobby Mangunay sa 0915 404 6464. (Abante TONITE Sports)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on