Nasa gitna ng kontrobersya ang magaling na aktor na si John Estrada.
Kumalat ang mga screenshot ng convo umano ni Priscilla at isa umanong Cebuana influencer, kung saan kinompronta ng dating beauty queen ang huli.
Mababasa sa mga screenshot na tinanong ni Priscilla ang babae kung bakit nito mine-message sa Viber si John.
“What kind of business do you have with my husband?” tanong ni Priscilla.
“Let me introduce myself, I am Priscilla Estrada, wife of John Estrada, in case you don’t know,” dagdag nito.
Nireplayan naman ng babae si Priscilla at sinabing isang beses lang nilang nakilala si John sa isang event sa Cebu.
Tugon naman ni Priscilla: “Since when are you chit-chat buddies?”
Itinanggi naman ng babae na nag-chat sila ng aktor.
“Hindi po kami nag-chat. Wala kami conversation since,” sabi ng sinasabing influencer.
Pero ani Priscilla, nabasa niya ang “not appropriated” Viber chat ng babae at ni John.
“You know he is married right?!” dagdag niya. “Thats how I got your #.”
Sunod na sabi ng babae: “What conversation? I’m pretty sure na hindi po kami nag-chat.”
“Hiningi lang po nya contact no. ko because for the event lng daw po. But i swear na hindi po kami nagchat since,” dagdag nito.
Nawindang naman ang mga Marites sa caption ng FB post ng nasabing influencer na siyang naglantad ng conversation nila ni Priscilla, lalo na ang mga salitang “tumikim lang ako”.
“Hoy ante abe man nakog okay nata…igo ramn ko nilitaw gd kaisa rajd very light radj kaayu to ay wala na ako mauusab kay way lami,” ayon dito.
(Hoy Auntie, akala ko ok na tayo.. tumikim lang ako ng isang beses, very light lang yun at hindi na ako umulit kasi hindi masarap.)
Ibinahagi ng Fashion Pulis ang mga screenshot nito.
Bukas ang panig ni John at ni Priscilla sa Tonite para sa ikalilinaw ng isyu. (Issa Santiago)