WebClick Tracer

SPORTS

Tots Carlos MVP, Creamline Cool Smashers kampeon

Inilabas nina Tots Carlos, Jema Galanza at Michele Gumabao ang mga angas upang akbayan ang Creamline sa 20-25, 25-20, 25-18, 25-15 demolis kontra Petro Gazz sado-or-die Game 3 at sungkitin ang kampeonato ng PVL All-Filipino Conference Huwebes ng gabi sa SM Mall of Asia Arena.

Dahil sa panalo, nasikwat ng Cool Smashers ang back-to-back imports-less conference title, ang pang-anim na kampeonato sa kabuuan ng team.

Tumikada si Galanza ng 19 points, nag-ambag si Gumabao ng 18 markers habang may 16 si Carlos para sa kampo na naglaro na wala ang pambatong injured na si Alyssa Valdez. Bumakas pa si Celine Domingo ng 12 puntos.

“We missed the finals last year, pero nakabawi tayo this year,” lahad ni playmaker Jia de Guzman na pinasalamatan din ang 12,175 fans na mayoryang pabor sa kanila at giniit na buo ang loob nila kahit ‘di nakasabak si skipper Valdez.

Pagkaraan, hinirang na conference Most Valuable Player/Best Outside Spiker si Carlos at nakasama niya sa Premier Team sina Finals MVP/Best Setter De Guzman, Best Outside pSiker Galanza, Best Opposite Spiker Gumabao, 1-2 Best Middle Blockers Angels MJ Phillips at Rey Palma, at Best Digger Kath Arado ng pumang-apat na PLDT Home Fibr.

Dehins kineri ng Angels ang 17 markers ni Grethcel Soltones at ang 11 na kinana ni Jonah Sabete. (Elech Dawa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on