Masaya si Tiffany Grey dahil nabigyan siya ng biggest break sa pelikulang “Paupahan” .Idinirehe ito ng award-winning director na si Louie Ignacio.
Aniya, pagkatapos niyang ma-nominate na best supporting sa 2022 MMFF para sa pelikulang “My Father, Myself”, mas ginanahan daw siyang magtrabaho.
Katunayan, sobra raw siyang na-challenge sa kanyang role sa kanyang latest starrer bilang Analyn.
Aniya, noon pa raw niya gustong gumanap sa papel ng isang seemingly innocent girl na may itinatagong kulo.
Sa pamamagitan daw ng obra ni Direk Louie, naipakita ang iba’t-ibang range ng emosyon.
Tunay raw namang naging hamon ito sa kanyang pagiging aktres.
Dagdag pa niya, siya man daw ay nahintakutan sa kanyang role lalo pa’t kakaiba ang trip at weirdness ng kanyang karakter.
Tumatalakay rin ang pelikula sa tema ng voyeurism kung saan isang babae ang aktibong karakter.
Nakaka-relate rin daw siya sa kanyang role dahil noong high school ay naranasan na niyang mamboso ng opposite sex.
Nagawa raw niya ito out of curiosity.
Kahit daw kaaway niya ang kanyang nabosohan, hindi naman niya ikinakaila na tinablan din siya rito tulad na lamang nang naramdaman ng kanyang dark character sa male tenant na binobosohan nito.
Hirit pa niya kung meron daw siyang male celebrity na bet bosohan, ito ay walang ibang iba kundi si Joshua Garcia na iniidolo niya.
Kabituin din ni Tiffany sa “Paupahan” sina Rob Guinto at Jiad Arroyo.
Palabas na sa Vivamax simula sa Abril 8, ito ay mula sa malikhaing panulat ni Quinn Carillo. (Archie Liao)