WebClick Tracer

METRO

Rider, angkas sinuwag ng Montero, pumailalim sa bus

Sugatan ang motorcycle rider at ang angkas nito matapos na pumailalim sa pamapasaherong bus nang salpukin ng Mitsubishi Montero sa EDSA, Quezon City nitong Linggo ng umaga.

Batay sa report ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nangyari ang aksidente sa northbound lane ng EDSA malapit sa ginagawang MRT7.

Isang Mitsubishi Montero ang biglang umanong bumangga sa likuran ng motorsiklo ng mga biktima at tumama sa unahang gulong ng isang six-wheeler truck bago pumailalim sa bus ang rider at ang angkas.

Ligtas namang nailabas mula sa ilalim ng bus ang mga biktima pero dinala rin sila sa ospital upang ipagamot ang mga tinamong sugat sa katawan.

Nasa kostudya na ng Traffic Sector ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver ng Montero na hindi pinangalanan upang isailalim sa imbestigasyon. (Dolly Cabreza)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on