WebClick Tracer

NEWS

Drug trafficker binitay sa Singapore

Binitay sa Singapore si Tangaraju Suppiah, 46 taong gulang, dahil sa cannabis trafficking.

Sa ilalim ng batas sa Singapore, ang pag-traffick ng higit sa 500 gramo ng cannabis ay maaaring magresulta sa death penalty.

Ayon kay Kirsten Han ng Transformative Justice Collective, nangyari umano ang pagbitay sa Changi Prison at naiabot na rin sa pamilya ni Tangaraju ang death certificate.

“Tangaraju was hanged in Changi Prison this morning. The family has been given the death certificate.”

Kirsten Han 韩俐颖 on Twitter: “Tangaraju was hanged in Changi Prison this morning. The family has been given the death certificate.” / Twitter

Bagama’t hindi mismong si Tangaraju ang nahulihan ng cannabis, ayon sa prosecutors, ang phone number umano nito ang nagpapakitang siya ang taong responsable sa pag-deliver ng drugs. (CS)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on