WebClick Tracer

NEWS

Jalosjos pinaasa TVJ sa ‘Eat Bulaga’

Isiniwalat ni Tito Sotto na hindi tinupad ng TAPE Inc. ang napagkasunduan nila noon na bibigyan siya, kasama sina Vic Sotto at Joey de Leon, ng share sa production company.

Sa panayam ni Nelson Canlas kay Sotto, sinabi ng `Eat Bulaga’ host na may utang pa umano ang Production Specialists ni Romeo Jalosjos sa TVJ.

Ang Production Specialists ay ang kompanyang nagtatag ng `Eat Bulaga’

taong 1979 ngunit nalugi ito, ayon kay Sotto.

“Noong nagdeklara na `yung Production Specialists na wala na at tinayo `yung TAPE, malaki utang pa sa’min ng Production Specialists,” sabi ni Sotto.

“Ang pinangako sa’min nung tinayo ang TAPE mayroon kaming share don tatlo. For 43 years, all of a sudden, we found out wala pala!” aniya pa.

Nasa 75 percent ng TAPE ang pagmamay-ari ng pamilya Jalojos habang 25 percent naman ang hawak ni Tony Tuviera na dating presidente at chief executive officer ng naturang production company.

Nilinaw din ni Sotto na pagmamay-ari ng TVJ ang brand ng `Eat Bulaga’ at ang TAPE naman ay sa mga Jalosjos.

“If it’s a copyright issue, definitely it is owned by Joey de Leon and the three of us. Siya nag-imbento ng pangalan eh,” ayon kay Sotto. “If you’re asking about TAPE, TAPE is owned by them (Jalosjos family).”

Giniit din ni Sotto na simula pa lang ay walang naging ambag si TAPE owner Romeo Jalosjos sa creative side ng programa, taliwas sa sinabi ng anak nitong si Bullet Jalosjos sa isang panayam.

Wika ni Tito, dalawa lang ang puwedeng mangyari sa gusot sa `Eat Bulaga’.

“One, leave it as it is… it’s doing well. Leave it alone,” ani Sotto. “The other road is hindi na tayo pUwedeng magsama kapag ganon.” (Ray Mark Patriarca)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on