Sino raw itong politiko na tinutulak ang kanyang asawa na tumakbo sa 2024 senatorial elections?
Nabisto ni Mang Teban na itong si misis, sinasanay na ng kanyang mister sa pakikipagsalamuha sa mga politiko at diplomat.
Tuwing may lakad itong si mister, lagi niyang bitbit si misis para ipakilala sa mga politiko tulad ng mga senador, congressman, governor, mayor at maging sa mga Cabinet secretary.
Last term na kasi ni mister sa inokupahang puwesto sa gobyerno at balak na magpahinga ng tatlong taon kaya ang asawa ang tinutulak na pumalaot sa politika.
Isinama na nga raw ang pangalan ni misis sa survey ng mga posibleng tatakbo sa 2025 senatorial elections.
Ang masaklap, mukhang nagtanim ng root crops ang mag-asawa dahil umani ng kamote si misis sa survey.
Wala raw ito sa Magic 12 o kahit sa Top 24 man lang ng survey. Halos nasa hulihan na raw ng listahan si misis, animo’y saling-pusa lamang sa survey.
Malabo na raw makapasok sa winning circle si misis dahil kilalang kuripot ang kanyang mister para gumastos sa political ads at sa panggastos ng mga lokal na opisyal.
Malamang na gawing negosyo na lamang ng politiko ang posibleng pagtakbo ng kanyang misis para nga naman makakalap ng datung.
Clue: Si misis ay hindi original wife ng politiko at ang initial ng kanyang pangalan ay katulad ni mister.