Sa isang panayam, sinabi ni Alden Richards na hindi siya fan ng summer.
Katunayan, kapag daw dumarating ang dry season sa Pilipinas ay madalas na nagbibiyahe siya at ang kanyang pamilya sa ibang bansa, lalo na kung wala naman siyang showbiz commitments.
Ito raw ay para takasan ang init sa Pilipinas na sa ibang parte ng kapuluan ay umaabot na sa 48 degrees ang heat index.
“‘Di po kasi ako fan ng init. So sometimes what we do on summer days, very seldom, we go on trips abroad with family sa mga lugar kung saan winter,” aniya. “Makatakas man lang sa init ng Pilipinas,” dugtong niya.
Paboritong puntahan ni Alden ang Japan na para sa kanya ay may soft spot sa kanyang puso.
Kapag may mga okasyon tulad ng Christmas, pinipili ng actor na magbakasyon sa nasabing “Land of the Rising Sun”
Noong nakaraang birthday naman niya noong Enero ay sa Tokyo rin siya nagdiwang ng kanyang kaarawan.
Gayunpaman, kung may time raw naman siya minsan ay dinadala niya ang kanyang pamilya sa pribadong beach para sila makapag-bonding.
“Pero kung hindi naman po, kahit papaano, I see to it na nadadala ko rin sila sa beach kahit by land lang ‘yung travel kasi taga-Laguna naman po talaga ako so most of the time po nadadala ko po sila sa Batangas. So, ‘yun po, swimming-swimming po kami du’n,” paliwanag niya.
Hirit naman ng kibitzers, bet daw ng actor na ipagdamot ang kanyang paghuhubad-baro sa mga nagpapantasya sa kanya kaya hindi ito mega display ng kanyang abs sa beach.
May nagtanggol naman sa actor na typically shy daw ito at iyong tipong introvert kaya konserbatibo pa rin ito sa paghuhubad. (Archie Liao)