WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Yorme nagtipid, binaklas blue badge sa Twitter

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong lokal na opisyal ng gobyerno na naghihinagpis dahil nawala ang blue checkmark sa kanyang Twitter account?

Nabisto ni Mang Teban na hindi raw kasi nagbayad ng subscription rate itong alkalde kaya inalis sa kanya ang blue badge.

Ang blue badge ay binibigay kapag naberipika ng Twitter ang iyong account pero nitong 2022, nagpakulo si Elon Musk na dapat ay magbabayad ng $11 o P610 kada buwan bilang subscription para ma-retain ang blue checkmark.

Kahit na kasinghalaga lang ng subscription sa cable, umandar daw ang pagkakuripot ng alkalde nang hindi ito bayaran.

Inalaska tuloy ito ng kanyang mga kaibigan dahil naturingang nakatira sa exclusive subdivision, pero walang pambayad sa subscription ng Twitter.

Inurot tuloy siya ng ilang Marites na baka gusto pa niyang ikarga sa bayarin ng city government ang gastos sa subscription sa Twitter.

Kilalang kuripot kasi ang tatay nito kaya namana ang pagiging matipid sa pera.

Clue: Ang mayor na tinanggalan ng blue checkmark sa Twitter ay may letrang B sa apelyido as in barat.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on