WebClick Tracer

LIFESTYLE

Anunsyo ng WHO 

Ang World Health Organization o WHO, kamakailan ay naganunsyo na katapusan ng Covid global emergency.

Maaalala na nagdeklara ng pandemya at itinalaga ang pinakamataas na lebel ng pagka alerto laban sa sakit na Covid19 noong Enero 30, 2020. Napansin nila sa nakalipas na taon na pababa ang bilang ng kaso nito. Ito’y isang inaantay na deklarasyon dahil ang kahulugan ay manunumbalik na sa dati ang iba’t ibang mga bagay.

Kabilang dito ang mga kalakaran ng mga negosyo, kinakailangan sa pagbiyahe, regulasyon sa mag pang araw araw na bagay ay magiging maluwag na tulad ng panahong bago magkagulo ang buong mundo. Malaking bahagi ang desisyon nito sa mga pagsusuri na nagawa ng mga eksperto, ang pagbabakuna ng ilang bilyong katao sa buong mundo, ang mga paggamot sa mga nagkasakit, at ang kamalayan ng lahat, tungkol sa karamdaman, mga dapat gawin kung magkasakit at higit sa lahat mga paraan upang maiwasan magka Covid19.

Sa gitna ng galak ng karamihan ay dapat nating alalahanin na ang anunsyo ay para lamang sa state of emergency ng pandemya. Hindi ibig sabihin ay wala na ang Covid19. Sa katunayan, dito sa ating bansa ay tumataas nanaman ang bilang na kinailangang ibalik ang level 1 na paghiihgpit. Sa nakalipas na buwan ay mahigit sa 4 na libo ang nagpositibo. Hinihikayat na magsuot muli ng mask ang mga senior citizens at mga immune compromised.

Kung nasa masikip na lugar ay ganoon din at lalong lalo na kung may nararamdaman. Sa totoo lang ay pag may sakit at nilalagnat, mas mainam nang huwag nang pumasok. Maging responsibilidad tayo sa ating sarili ng hindi lumala ang kundisyon at hindi makahawa. Kung may ilang araw na, mainam na mag patest. Mag pa RT PCR o antigen test ng makasiguro kung Covid19 ang dahilan o hindi.

Dito pa rin nakasalalay ang pagbalik natin sa dating gawain at trabaho. kung negatibo ay maaaring bumalik sa lalong madaling panahon. Ngunit kung magpositibo ay dapat mag isolate at antayin ang quarantine period ng halos isang linggo bago bumalik ng makasiguro na hindi na nakakahawa. Kung gagamit ng self-test antigen kits, siguruhin ang mga sumusunod: sa lehitimong distributors nang makasiguro na hindi fake ang binibili, itago sa madilim na lugar, mas mainam sa refrigerator ilagay ang mga ito, hindi expired, at higit sa lahat, tamang pagkolekta ng specimen ng makasiguro na tama ang magiging resulta at hindi makakuha ng false negative results.

Sa pang araw araw nating kilos at galaw, huwag tayong maging pabaya at masyadong kampante. Palakasin natin ang ating katawan, sundin ang minimum health requirements, magpabakuna at alagaan ang sarili, pamilya, at mga mahal sa buhay.

Hanggang sa susunod ! Keep healthy! Stay safe! Remain vigilant!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal).

Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kapitbahay tuwing huwebes 1pm at Health Watch tuwing ikatlong linggo ng buwan 9am sa DZEC1062) at Doc Rylan Facebook Live tuwing linggo ng 11am. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on