WebClick Tracer

LIFESTYLE

Diskriminasyon ng English sa Tagalog babu na sa ChatGPT

Aaminin ko sa inyong lahat na ang talagang pangarap ko noong ako ay nasa kolehiyo pa lamang ay ang maging reporter o writer sa broadsheet na nangangahulugan na kailangan ko munang maging bihasa sa pagsusulat ng wikang english.

Pero ewan ko kahit na anong attentive ko sa mga english subjects ko noong ako ay nag-aaral pa lamang ay hindi ko talaga matutunan ang magsulat ng diretso o pangtabloid na english.

Ganu’n pa man, ang kabiguan na ito ay hindi naging hadlang sa akin para ipagpatuloy ko ang pangarap na maging reporter o writer hanggang sa ako nga ay mabigyan ng pagkakataon na makapagsulat dito sa mga diyaryo at online news outlets ng Prage Management Corporation (salamat kina GM Gil Cabacungan at President Rey Marfil).

At dahil hindi na naisaayos ang pagsusulat sa english, no choice ako kundi gamitin bilang instrumento ang sarili nating wika na isa din namang magang oportunidad dahil kahit na hindi ako taal na Tagalog ay natutunan ko nang maayos.

Pero sa paglipas ng panaho at sa patuloy na pag-usad ng kaalaman ng tao sa internet, mukhang hindi na makakapagmalaki ngayon ang mga nagsusulat sa wikang english dahil naimbento na ang ChatGPT.

Ang ChatGPT ay isang online app na kung makakabisa ng gagamit ang mga katangian ay siguradong tapos ang problema niya at mapapadali pa ang trabaho kahit pa sabihing hindi siya magaling magsulat sa english.

Lahat ng background, impormasyon at mga ideyang kontra at pabor sa isinusulat ng isang writer ay ibibigay niya sa loob lamang ng ilang sandali basta ang malakas ang koneksiyon sa internet.

Kahit nga sa paghiheadline ng mga balita ay magaling din magbigay ng suggestion si ChatGPT kaya lumalabas na isa siyang malinaw na banta sa mga researcher, writer at mga editor na ang expertise ay wikang english.

Kung magtutuloy tuloy ang ganitong situwasyon, hindi malayong mabaligtad ang situwasyon at ang mga writer naman sa wikang Tagalog ang maging in-demand dahil matatagalan pa siguro bago matutunan ni ChatGPT ang translation ng english patungo sa Tagalog dahil sa kasalukuyan, dito sa Pilipinas ang naitatranslate pa lamang niya ay ang ating lengguwahe patungo sa english.

Hindi rin ako magtataka kung isang araw ay magising na lamang tayo na kaya na ring magtranscribe ni ChatGPT kaya ang pagdodokumento at archiving ng mga interviews ay hindi na magiging trabahong matagalan.

Marami daw ang mawawalan ng trabaho at halos ay nasa white-collar job sector nabibilang kapag dumami pa nang dumami ang kumuha ng diskarte sa ChatGPT kaya napakahalaga talagang bukod sa pagsusulat ay marami kang alam na ibang raket.
Kaya nga ako nag-Tiktok na via @MarloDalisay eh hehehe.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on