WebClick Tracer

LIFESTYLE

Bodyguard ay ‘Men In Black’

Mga ka-Misteryo kayo ba ay tagahanga ng pelikulang Men In Black ni Steven Spielberg?

Totoo nga ba sila? Sa karanasan ni Kris ng Mandaluyong sila ay totoo at sa katunayan lagi niyang nakikita ang mga nilalang na Ito.

Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo Alamin ang Totoo!”

Misteryo: “Paano mo nasabing totoo ang Men In Black?”

Kris: “Simple answer lang yan. I can see them everywhere. Sa house namin lagi ko sila nakikita kahit saan ako magpunta nakikita ko sila.”

Misteryo: “Ganun ba talaga tamang description sa kanila nakasuot sila ng black suit?”

Kris: “Yes ganun na ganun. Naka-black suit with white under polo and black tie tapos meron din silang black fedora yung sumbrero nila na pang-vintage. May time may nakikita akong MIB outside kapag may lakad ako iba ang color ng suit parang brown with fedora hat din.”

Misteryo: “Sa palagay mo anong species ang Men In Black?”

Kris: “Generally I think they are aliens or maybe advance human beings. This is based on theories about them and sa feeling ko.”

Misteryo: “Nag-try ka ba na sila ay makausap? Nagkaroon ka ba ng chance to communicate with them telepathically?”

Kris: “Hindi eh. I was trying to communicate dun sa MIB sa house namin pero walang sinasabi. Tinatanong ko nga kung ano ang mission nila bakit nakikita ko siya pero walang sagot.”

Misteryo: “May feeling ka ba ng hostility or maybe in danger ka sa presence ng MIB?”

Kris: “Weird but I feel safe with them. Para silang bodyguard ko ng family ko, maybe they want to protect me and my family. Hindi ko lang alam kung bakit.

Sila lang siguro nakakaalam nun at ayaw sabihin sa akin.”

Kayo mga ka-Misteryo meron ba kayong encounter with Men In Black? Share lang po niyo? Mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.#

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on