Wala sa bokabularyo ko ang ibida ang mga naabot ko sa buhay.
‘Yan ang laging ipinapayo sa aming magkakapatid ng aming mga magulang. Kailangang laging manatiling mapagkumbaba sa lahat ng pagkakataon.
Pero sa puntong ito – hayaan n’yo muna akong i-flex ang aking Papa. Siya si Nelson Segovia. Ilang dekada naging OFW sa Saudi Arabia. Tiniis ang mahabang panahon na malayo sa amin makaipon lang ng pera para maitaguyod ang pamilya.
Turning 77 years old na si Papa ngayong May 25. Gusto ko siyang ibida sa inyo. Sa kabila ng kanyang edad, nananatiling malakas, malusog at masigla si Papa.
Hindi mababanaag sa kanya ang dapit-hapon ng buhay. Sa regular checkup namin sa doktor, lumalabas na mas pang-binata pa raw ang resulta ng lab test ni Papa kaysa akin. Metikuloso siya sa kanyang pagkain para manatiling fit at healthy.
Ang mas kamangha-mangha, siya ang nasa likod ng binuksan kong perfume business na JMS Fragrances nitong Nobyembre. Home-blend ang mga ibinebenta naming pabango. Ibig sabihin, si Papa mismo ang nagtitimpla nito.
Nagtapos ng Chemical Engineering si Papa sa National University. Matagal nagtrabaho sa chemical laboratory sa Gitnang Silangan. Pag-uwi sa Pilipinas noong dekada 90, nag-aral siya sa isang Fragrance Institute sa Makati City.
Taong 2000 nang simulan naming magbenta ng perfume products. Pero dahil muli siyang nangibang-bansa noon, hindi na naituloy pa ang negosyo. Nitong huling bahagi ng 2022, muli naming tinangkang ibalik ang nasimulan noon.
Nakaka-proud lang na kayang-kaya pa rin ni Papa na magtimpla. Malinaw pa ang kanyang mga mata. Kaya kinukuwenta at sinusukat niyang maigi ang bawat kemikal na kailangan para makabuo ng isang scent.
Sa ngayon, anim na perfume scents ang aming ibinebenta (3 for Men at 3 for Women) – lahat ng ito, all original variants. Bukod sa bangong babalik-balikan mo, abot-kaya ang presyo kaya talaga namang tinatangkilik ng marami.
Sa mga interesadong bumili, magmessage lang sa Facebook page ng JMS Fragrances. Open din for legitimate resellers. Anong pang hinihintay n’yo? Palaganapin na natin ang halimuyak na ito.
Pa, happy birthday sa’yo! Cheers to more years of celebrations.