WebClick Tracer

LIFESTYLE

Ano ang Amygdala

May kanta na isinulat ang isang miyembro ng kilalang grupong BTS na si Suga, pinamagatang Amygdala. Sinabi nya na sa utak natin ay mayroon nito kung saan natatago ang mga hindi magandang alaala, nang sa ganoon ay mahahanda ang sarili sa mga iba’t ibang sitwasyon. Sa lyrics ng kanta, nabanggit nya ang mga traumatic at masakit na mga alaala kabilang ang kaniyang aksidente, ang operasyon sa puso ng kaniyang ina at ang kanser ng kaniyang ama. Na sana ay pakawalan siya ng kaniyang amygdala sa mga ito. Ngunit, imbes na takbuhan nya ito, ay hinarap nya ang mga sakit na nararamdaman at isinulat ang mga ito sa isang kanta. Paraan din nang makontrol at pagtagumpayan ang anuman na nasa sa isip at utak niya.

Ang amygdala ay nasa gitna ng ating utak, may hugis na parang almond, na nasa loob ng temporal lobe. Kasama ito sa tinatawag na limbic system at ito ang namamahala sa emosyon at paguugali ng isang tao, particular na ang pagkatakot. Kapag mayroong takot o panganib na nangyari ay dito ito nadadala. Mula dito, dinadala ang alaala sa hypothalamus kung saan nagkakaroon ng aksyon, ang fight or flight response depende sa sitwasyon. Maaaring maapektuhan ito ng ilang karamdaman ng utak o neurologic diseases, tulad ng tempral lobe epilepsy at alzheimer’s disease. Kasama din ang stroke o cerebrovascular accident (CVA) at tunay na mga aksidente sa utak.

Mga sintomas na maaaring makita kung maapektuhan ang amygdala ay pagkairita at nalilito. Mayroon tinatawag na amygdala hijack kung saan natataranta, pwede din pagkakalimot, hindi makadesisyon, sobrang matatakutin, hindi lang para sa sarili kung hindi pati na din sa iba, at pwede din anxiety o depression. Kung mayroong sintomas, ang mga psychiatrists or psych-neurologists. Maaaring gumawa ng mga psychotherapies, tinuturuan din maging mindfullness o intindihin ang mag nangyayari kasalukuyan ng maging kalmado at mabawasan ang stress. Kung minsan ginagawan din ng deep brain stimulation.

Tama ang nagawa ni Suga. Fight or flight, imbes na takbuhan at taguan ang sitwasyon, hinarap ito, nagsulat ng kanta at naipanalo ang sarili at hindi pinangunahan ng takot. Sana ganoon din tayo sa pang araw araw nating buhay. Maging kalmado at isipin na sa bawa’t balakid at hadlang ay mayroong solusyon. Paminsan kailangan hanapin, kung minsan ay nasa harap na natin. Kumunsulta nang hindi pangunahan ng takot.

Hanggang sa susunod Martes! Keep healthy! Stay safe! Remain vigilant!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kapitbahay tuwing huwebes 1pm at Health Watch tuwing ikatlong linggo ng buwan 9am sa DZEC1062) at Doc Rylan Facebook Live tuwing linggo ng 11am. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on