Sino raw itong staff ng senador na nagmamay-ari ng mamahaling sports car pero hindi naman kalakihan ang suweldo?
Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban na miyembro raw ng club itong staff kung saan kapag may lakad sila ay pinapaharurot ang kanilang mga mamahaling sasakyan para magyabang sa publiko.
Kabilang umano sa mga sasakyan ng grupo ay Lamborghini, BMW, Ferrari, Audi, Porsche at Ford Mustang.
Ang staff ay nagtatrabahong political officer ng senador at hindi naman kalakihan ang suweldo para makabili ng mamahaling sports car.
Pero kilalang raketero ang staff, isa na rito ay ang record nito ng pambubudol sa isang presidential candidate may ilang taon na ang nakaraan.
Itinakbo raw nito ang malaking campaign fund ng kandidato kaya natalo sa lugar na tinoka sa kanya.
Hindi na nabawi sa kanya ang pera pero binugbog daw ito ng colonel dahil sa ginawang panggagantso sa kandidato. Hindi man lang daw umawat sa kanya ang amang kongresista noong panahong iyon.
Sagana lang daw sa porma ang staff dahil hindi naman ito makakabingwit ng magagandang tsiks dahil mukhang pinagbiyak ang mukha nila ng baklang kongresista sa Bicol Region. Kinakalawang din daw ang ngipin nito, indikasyon na pala-yosi ang kumag.
Clue: May letrang G sa pangalan ng staff as in grand prix, habang ang amo nitong senador ay kilalang raketero rin at nanghingi ng pera sa korporasyong nag-iimport ng pompano.