WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Hired killer vs Capiz mayor timbog

Nangangamba sa kanyang seguridad si President Roxas Mayor Tanoy Escolin sa posibilidad na susunod ito sa sinapit ni Governor Roel Degamo kung hindi mapipigilan ang mga plano laban sa kanya.

Ayon sa alkalde ay may mga grupong inupahan para siya’y maligpit kung saan may pabuyang inilagay sa kanyang ulo.

Sinabi niya na hindi bababa sa dalawang grupo ang planong tumarget.

Isang grupo umano ang humirit ng P2 milyon kung matagumpay ang assassination. Gayunpaman, ang `mastermind,’ na mula rin sa President Roxas ay tumawad ng P1.8 milyon at ang motibo umano ay work-related.

Kinumpirma ni Escolin ang plano matapos na mahuli sa isang police operation sa Iloilo ang isang gun-for-hire laban sa kanyang buhay.

“Those are threats that are not sent through text messages or chats,” sambit pa nito. (Prince Golez)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on