WebClick Tracer

NEWS

OFW nalaglag sa bintana ng HK condo, tigok

Patay ang isang Filipino domestic worker sa Hong Kong matapos mahulog sa nililinis niyang bintana, ito ang kinumpirma ng Philippine Consulate in the special Chinese administrative region nitong Martes.

Ayon sa Hong Kong media, ang 38-anyos na Pinay ay nahulog umano mula sa isang 18-palapag na apartment, at natagpuang nakahandusay sa platform ng condominium complex sa Kowloon.

Sinabi ng Philippine consul general na si Raly Tejada na iniimbestigahan ng pulisya ng Hong Kong ang insidente, dahil nasa batas ng lungsod ang pagbabawal sa mga employer na paglinisin ang mga kasambahay ng mga bintana nang walang sapat na safety precaution.

“Ang pangyayaring ito ay isang napakabigat na trahedya at talaga namang deplorable na pangyayari sapagkat maging ang Hong Kong government noong 2017 ay ipinagbawal na ang paglilinis ng bintana,” sambit ni Tejada sa isang recorded message.

Kasabay nito ay ipinaabot ni Tejada ang kanyang pakikiramay sa naulilang pamilya ng Pinay, at tiniyak na sila ay makakakuha ng tulong mula sa gobyerno ng Pilipinas.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on