WebClick Tracer

Tonite Hulaan Blues

Senador hiningan ng datung bigating importer

ABANTE-TONITE---HULAAN-BLUES

Sino raw itong miyembro ng Senado na nanghingi ng pondo sa isang bigating importer sa Pilipinas?

Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban na kinapos daw kasi ng pondo noong 2022 elections itong senador kaya nilapitan ang kilalang importer ng pagkain sa bansa.

Hindi naman daw nabigo ang senador dahil binigyan ito ng malaking halaga na lagpas sa pinahihintulutan ng batas.

Ang importer ay nagpapasok ng mga prutas sa Pilipinas tulad ng mga oranges, ubas, cherries, blueberries at iba pang produktong agrikultura.

Hindi raw halatang kaibigan ng senador ang importer ng agricultural products dahil isa ito sa mga bumanat sa smuggling ng sibuyas at iba pang produktong agrikultura.

Ang senador ay kabilang sa paksyon na kumabig ng malaking halaga ng pondo noong nakaraang eleksyon.

Ang classic nito, ang senador na ito ay nagmamalaking wala siyang kinasasangkutang anomalya pero sangkatutak naman ang mga kaibigan na may ilegal na negosyo.

Clue: Ang senador na kumabig ng malaking pondo sa isang bigating importer ay hilig kumain sa tabing kalsada. Minsan na siyang nadisgrasya sa pagmamaneho.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on