WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Van nahulog sa bangin

Tatlong sakay ng van ang agad na dinala sa ospital matapos mahulog sa bangin sa Campo Siete, Minglanilla sa Cebu, Martes ng gabi.

Ayon sa Minglanilla PNP, ang van ay tumatahak sa madulas na pababang kalsada nang mawalan ng kontrol sa mabibela ang driver at nahulog sa bangin.

Ang mga biktima ay papunta sa Toledo City mula sa Cebu City.

Swerteng tumama ito sa isang puno na humadlang sa mas malalim na pagbagsak.

Ang mga biktima ay nagtamo ng mga sugat at pasa dahil sa insidente.

Sa 18 sakay, tatlo ang dinala sa South Cebu Medical Center. (Ronilo Dagos)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on