WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

5 bumulagta sa ratratan ng militar vs NPA

Lucena

LIMANG pinaniniwalaang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang napatay sa magkakahiwalay na engkwentrong naganap sa tropa ng mga sundalo sa Barangay Quintin Remo, Moises Padilla, Negros Occidental nitong Sabado.

Sa ulat ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army, alas-5:05 ng umaga nang maganap ang unang engkuwentro sa pagitan ng militar at tinatayang 14 komunista sa Sitio Napiluan, Barangay Quintin Remo.

Nagsasagawa ng combat operation ang mga sundalo nang masabat ang mga rebelde at magkabakbakan.

Matapos ang 40 minuto ay nakasagupa naman ng 62nd Infantry Battalion ng Philippine Army ang anim na rebelde sa Sitio Oway-Oway na nasundan ng mahigit limang minutong bakbakan.

Limang rebelde ang napatay at inaalam pa ngayon ang mga pagkakakilanlan.

Narekober rin sa lugar ng engkwentro ang mga baril, bala, bandila ng NPA, iba pang kagamitan.

Ang nasabing grupo ng mga rebelde, ayon pa sa report ay sangkot sa pangha-harass ng mga sibilyan na kinokotongan ng mga ito ng pagkain, pera at mga alagang hayop bilang bahagi umano ng revolutionary tax sa NPA Command na nago-operate sa Negros Island.

Posibleng marami pa ang nasugatan sa mga rebelde base sa mga patak ng dugo na nakita sa lugar na dinaanan ng mga ito sa pagtakas.

Nagpapatuloy naman ang opensiba ng tropang gobyerno laban sa komunistang grupo. (Edwin Balasa)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on