WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Multicab bumaligtad; 10 sakay nadale

SAMPU katao ang nasugatan matapos bumaligtad ang isang multicab sa national highway sa Brgy. Cagdarao, Laoang at Brgy. Tangbo, Catubig, Northern Samar nitong Biyernes.

Sa report ng Catubig police, binabaybay ng multicab ang kalsada nang pagdating sa pakurbada ay nawalan ng kontrol sa manibela ang driver nitong si Lorence Criss Guillermo, 30, na nagresulta sa pagbaliktad ng sasakyan alas-5:35 ng hapon.

Tumilapon sa kalsada ang mga pasahero at nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Bukod kay Guillermo, sugatan ang 9 pasahero nito na kinabibilangan ng 6 na lalaki at tatlong babae.

Agad sumaklolo ang iba’t ibang rescue team ng bayan ng Catubig sa pangunguna ng MDRRMO.

Isinugod ang mga ito sa Catubig District Hospital.

Ayon sa pulisya, overloaded ang multicab nang mangyari ang sakuna.

Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pangyayari. (Ronilo Dagos)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on