May isang sexy actor na hindi mo naman talaga puwedeng pintasan ang looks.Guwapo ito in a rich boy kind of way at oo, ang katawang pangromansa nito, saktong-sakto ang pagka-siksik at hulma.
Umaariba na rin ito sa mga pelikulang bordering on the soft porn at may mga pelikula na rin ito kung saan kapwa niya lalaki ang kanyang kahalikan at kunwari’y kaniig.
Wala ring masyadong maskarang suot at inhibisyon itong aktor. Handa itong ibuyangyang kanyang ari-arian kung kailangan talaga sa kuwento ng pelikulang siya ay kasali.
Ang dagdag kiliti kay aktor, ayon sa isang impeachable source, gender fluid ito. Ang gender fluid ay nagsasaad o nauugnay sa isang tao na hindi kinikilala bilang may iisang hindi nagbabagong kasarian.
Wow! Pa-woke masyado ang aktor. Ang diva that you love, ang gusto tuloy malaman, sa mga artistang nakasama na niya sa mga maiinit na eksena, kanino kaya siya mas darang na darang, sa babae o sa lalaki na kapareha? Yung walang halong pag-iimbot at buong katapatan na sagot, kung maari lang.
(Alwin Ignacio)