WebClick Tracer

OPINION

Ang saya sa Malabon City

Idineklarang holiday ngayong araw ni Pangulong Bongbong Marcos sa Malabon City bilang paggunita sa ika 424 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng lungsod.

Monthlong ang paggunita ng pamahalaang lungsod sa anibersaryo ng Malabon at siksik, liglig ang mga aktibidad na dinaluhan ng mga prominenteng politiko sa bansa sa pangunguna ni Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte.

Hindi na ito bago para sa Malabon lalo na kay Malabon City Mayor Jeannie Sandoval dahil kilalang dikit na ang pamilya ng mga hindi pa alkalde si Mayor Jeannie.

Kaya naman buhay at ang sigla nang buong Malabon dahil sa napakaraming programang inilunsad ng City Hall na talagang nagpabuhay sa turismo ng lungsod.

Sa dami ng nakahilerang mga programa sa city hall ay talagang tinutukan hindi lang ng mga taga-Malabon ang mga aktibidad kundi ng buong bansa.

Ang dating puro baha ang isyung kumakabit ay biglang nagbago sa administrasyon ni Mayor Jeannie dahil sa sigasig nitong buhayin ang iba’t ibang aktibidad na magpapakilala sa Malabon City bilang isang mayaman sa kulturang siyudad.

Hangad natin ang patuloy pang pag-asenso ng siyudad dahil sa pagpupursige ng administrasyon ni Mayor Sandoval na maingat ito sampu ng mga mamamayan ng Malabon.

Isa tayo sa tumutok sa Facebook page ni Mayor Jeannie at ng Local government ng Malabon para mapanood ang kanilang mga programa.

Sa dami ng LGU na nagdiwang ng kanilang anibersaryo, masasabi kong kakaiba ang ginawa ng Malabon, ang husay ng kanilang mga ginawang programa lalo na’t lahat ng sector ay may partisipasyon.

Dahil sa level-up ang kanilang anibersaryo ay tiyak akong mas aabangan ng mga taga-Malabon at ibang siyudad at bayan ang mga susunod pang selebrasyon ng Malabon sa kanilang mga anibersaryo dahil tiyak tayong mas bongga ito sa mga susunod pang taon.

Kaya sa mga nasa likod ng matagumpay na paggunita sa ika-424 taong anibersaryo ng Malabon City, isang pagbati ang nais nating ipaabot.

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on