WebClick Tracer

Tonite VISAYAS / MINDANAO

Bumulagtang NPA sa militar, 9 na

UMAKYAT na sa siyam ang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) na napatay sa serye ng engkuwentro sa mga tropa ng pamahalaan sa Negros Island.

Ito ang sinabi ni Lt. Col. Israel Galorio, hepe ng Visayas Command (VISCOM) public information office, kung saan ang mga napatay ay mula sa NPA Komiteng Rehiyon Negros, Cebu, Bohol, Siquijor (KR NCBS).

Hindi pa rin nakikilala ang mga ito.

Ayon sa ulat mula sa VISCOM, ang apat na rebelde ay napatay sa 20-minutong bakbakan sa pagitan ng 62nd Infantry Battalion ng Philippine Army at KR NCBS ng NPA sa Sitio Cambawgon, Brgy. Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental.

Nangyari ang unang engkuwentro ng alas-5:10 kahapon ng umaga.

Isang NPA fighter ang naaresto habang ang isa ay sumuko sa operasyon.

Samantala, sa isang hiwalay na VISCOM report, limang NPA rin ang namatay sa tatlong engkwentro sa Brgy. Quentin Remo, Moises Padilla, Negros Occidental kamakalawa.

Sinabi naman ni Lt. Gen. Benedict Arevalo, commander ng VISCOM, na ang pagkakapatay sa mga rebelde ay resulta ng kanilang pagtugis sa KR NCBS, lalo na Central Negros 1 (CN1), na ikinukunsidera nila “weakened” guerilla front sa NPA. (Catherine Reyes)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

TELETABLOID

Follow Abante News on